Ang kasaysayan ay ang pag-aaral sa nakalipas na panahon, mga bagay na tumutukoy sa makabuluhang pangyayaring naganap sa isang lugar noong unang panahon. Ito ay kwento ng isang bayan, bansa o lipunan tulad ng kabuhayan, pulitika, mga kilalang tao na naging bahagi ng bansa, mga heograpiya at iba pa.
Ang Kasaysayan o historya ay ginagamit bilang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng "heolohikang kasaysayan ng daigdig". Kapag ginagamit bilang pangalan ng isang pinagaaralang larangan, tinutukoy ng kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao.