Limang Mabuting Epekto ng Pagtanggap sa Desisyon ng Iba: 1. Nagkakaroon ng respeto sa isa’t isa – Kapag tinanggap natin ang desisyon ng ibang tao, ipinapakita natin na nirerespeto natin sila bilang tao at pinapahalagahan natin ang kanilang opinyon. 2. Mas nagiging maayos ang samahan – Mas nagiging payapa at masaya ang relasyon o pagkakaibigan kapag walang bangayan at tinatanggap ang mga desisyon ng isa’t isa. 3. Naiiwasan ang hindi pagkakaunawaan – Kung marunong tayong tumanggap ng desisyon ng iba, mas mababawasan ang away o hindi pagkakaintindihan. 4. Natuto tayong maging bukas ang isipan – Sa pagtanggap ng desisyon ng iba, natututo tayong unawain ang iba’t ibang pananaw, kahit hindi ito kapareho ng sa atin. 5. Natututo tayong magpakumbaba – Hindi lahat ng gusto natin ay masusunod. Sa pagtanggap sa desisyon ng iba, natututo tayong tanggapin na hindi palaging tayo ang tama at maging humble.