Ang salitang-ugat ng malakas ay lakas. Ang salitang-ugat ay ang pinakapayak o salitang walang kasamang panlapi (halimbawa: um, mag, in, at iba pa).Para makuha ang salitang-ugat, alisin ang panlapi o dagdag na bahagi sa salita. Kapag natira na lang ang pinakapuno o payak ng salita, iyon na ang salitang-ugat. Sa salitang malakas, tinanggal natin ang panlaping ma at ang natira na lamang ay ang salitang-ugat na lakas.
Malakas = ma- (panlapi) + lakas (salitang ugat)