Ang dalit ay isang katutubong tula sa Pilipinas. Karaniwan itong may apat na taludtod (linya) sa bawat saknong at may sukat na walong pantig bawat linya. Maaari ring itong magkatugma o magkatunog ang dulo ng bawat linya.Ayon sa "Compendio del arte de la lengua tagala" (1703) ni Fray Gaspar de San Agustin, tanyag ang Dalit upang ipahayag ang kanilang matatayog na kaisipan at mabibigat na damdaminMga Halimbawa ng Dalit1. Caloloua co'y, hogasan pacalinisi't sosian pauian mo ri't alisan domi't, lubag, casalanan2. Buhok man ay nagkulay tsok Lalamunan ma'y napaos Walang lubay sa paghubog Ng magiging manunubos (Gregorio Rodillo)3. Langgam, langgam kagatin mo Ang singit ng pulitiko; Asam-asam, aming boto Pag nanalo, lustay pondo (Joel Costa Malabanan)