HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Junior High School | 2025-07-21

Paano inilarawan ni Plato ang reaksiyon ng taong nakalabas ng yungib nang makita niya ang tunay na liwanag?​

Asked by eunicelandayan27

Answer (1)

Paano inilarawan ni Plato ang reaksiyon ng taong nakalabas ng yungib?Ayon kay Plato, ang taong nakalaya mula sa yungib at nakakita ng tunay na liwanag ng araw ay:1 Una ay nasaktan ang kanyang mga mata – Dahil buong buhay niya ay sanay lamang siya sa mga anino, nasilaw siya sa liwanag ng katotohanan.2 Naguluhan at nahirapang tumingin – Hirap siyang tanggapin ang bagong katotohanan dahil iba ito sa nakasanayan niyang “katotohanan” sa loob ng yungib.3 Unti-unting naka-adjust – Nang masanay siya, nakaunawa siya ng tunay na realidad: na ang mga bagay sa labas ay mas totoo kaysa sa mga aninong kanyang nakita noon.4 Nais niyang ibahagi ito sa iba – Bumalik siya sa loob ng yungib upang sabihan ang iba, pero hindi siya agad pinaniwalaan, at sa iba’t ibang bersyon ng talinghaga, tinawanan o pinagtawanan pa siya. Kahulugan o Aral:Ang liwanag ay sumisimbolo sa katotohanan at kaalaman, habang ang anino sa yungib ay kamangmangan o maling paniniwala.Ang reaksyon ng tao ay nagpapakita na ang pagharap sa katotohanan ay hindi madali, ngunit ito ay nagdudulot ng tunay na kaunawaan.

Answered by princessdeniss | 2025-07-21