A. Panuto: Basahin at unawain ang kwento. (5 minuto) Ang Mag-asawang Lustre May kaya sa buhay ang mag-asawa na sina Benjamin at Karen. Nagkaroon sila ng apat na anak na sunod-sunod. Masaya ang kanilang pamilya. Isang araw nagpasya ang pamilya Lustre na magbakasyon sa probinsya, hindi nakasama si Benjamin dahil sa pagiging abala nito sa Negosyo Tuwang-tuwa ang mag-iina habang sila ay bumibyahe sa sasakya. Nagkakantahan at nagbibiruan, walang patid ang kanilang kasiyahan sa byahe. Subalit sa hindi inaasahan pangyayari, nabunggo ang kanilang sinasakyan, namatay ang driver at apat na anak nito. Lungkot na lungkot ang mag-asawang Benjamin at Karen. Minsan, natanong ni Karen sa Diyos na "bakit kinuha ang kanilang mga anak, sana daw siya na lang ang kinuha". Subalit nasabi ni Benjamin kay Karen manalig at magtiwala siya sa Diyos dahil lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit nangyayari ang mag bagay-bagay. Paglipas nang panahon, sa pananampalataya at pananalig nila sa Diyos nina Benjamin at Karen, nabiyayaan pa sila ng tatlong anak subalit namatay naman ang pangalawa niyang anak dahil sa matinding karamdaman. Hindi na ganun kasakit ang naramdaman ng mag-asawang Benjamin at Karen dahil sa tindi ng kanilang tiwala at pananalig sila sa Diyos. B. Panuto: Pagsunud-sunurin ang pangyayari. Lagyan ng Bilang 1-5 ang bawat patlang batay sa pagkasunud-sunod na pangyayari. Sagutin ang mga tanong.(10 minuto) A. Namatay ang apat na anak ng mag-asawang Lustre. B. Nagplano ang pamilyang Lustre na magbakasyon C. Muling nagkaanak ang mag-asawang Benjamin at Karen ng tatlo D. Pinatatag ang mag-asawa ng kanilang pananampalataya sa kabila ng pagkamatay ng kanilang apat na anak. E. Nalungkot si Karen at nagtatanong kung bakit kinuha ng Diyos ang apat niyang anak. Mga Tanong: 1.Anong pagsubok ang dumating sa buhay ng mag-asawang Lustre? 2.Paano nalagpasan ng mag-asawa ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay? 3. Kung kayo ang nasa katayuan ng mag-asawang Lustre, paano ninyo ito malalagpasan? Ipaliwanag. 4