Gumuhit ng isang bilog sa bandang itaas ng papel.Sa taas ng bilog, gumuhit ng korona.Sa ibaba ng bilog, iguhit ang tatsulok at sa loob nito, isulat ang unang letra ng iyong pangalan sa malaking titik.Kulayan ng pula ang tatsulok.Sa ilalim ng tatsulok, gumuhit ng parihaba at isulat ang iyong apelyido sa loob nito.Kulayan ng dilaw ang parihaba. Sa ilalim ng parihaba, gumuhit ng puso.Ang mga hakbang na ito ay nagtuturo ng pagsunod sa direksyon at pagkamalikhain sa pagguhit.