Ang kultura ng Ilawod ay nakasentro sa pamumuhay malapit sa ilog at dagat kaya karaniwang hanapbuhay nila ang pangingisda at paggawa ng bangka.Malaki rin ang pagpapahalaga nila sa tubig bilang pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan.Naiiba ito sa ibang pamayanan na nasa kabundukan (Ilaya) na mas nakatuon sa pagsasaka at pangangalaga ng kalikasan sa lupa.Ang Ilawod ay mas nakikipagkalakalan sa iba dahil sa kanilang lokasyon sa tabing-ilog o tabing-dagat.