Noong ika-19 ng mayo, taong 1898 bumalik si Dating Presidente Emilio Aguinaldo sa pagkakaalis o pagkaka-exile sa Hongkong para sa Kasunduan sa Biak-na-bato. Ang kasunduan ay nagsasabi na babayaran ng mga Espanyol si Dating Pangulong Aguinaldo at ang kanyang mga kasama kung magpapa-exile siya sa Hongkong. Binabalak naman itong gamitin ni Aguinaldo sa pagbili ng mga armas at sandata para ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.