HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Elementary School | 2025-07-20

Isulat sa kwaderno (Lecture notebook) Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto Panimula ng Unang Edisyon ng Kartilya Sa may nasang makisanib sa Katipunang ito Sa pagkakailangan, na ang lahat na nagiibig pumasok sa katipunang ito, ay magkaroon ng lubos na pananalig at kaisipan sa mga layong tinutungo at mga kaaralang pinaiiral, minarapat na ipakilala sa kanila ang mga bagay na ito, at ng bukas makalawa'y hung silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang mga tungkulin. Ang kabagayang pinag-uusig ng Katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papag-isahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog (*) sa pamamagitan ng isang mahigpit na panunumpa, upang sa pagkakaisang ito'y magkalakas na iwasan ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuwiran at Kalinawagan. (*) Sa salitang tagalog katutura'y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, atbp., ay tagalog din. Mga Turo ng Katipunan 1. "Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi (man) damong makamandag." 2. "Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan." 3. "Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang katuwiran." 4. "Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao." 5. "Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri." 6. "Sa taong may hiya, salita'y panunumpa." 7. "Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan na'y di na muli pang magdadaan." 8. "Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin (labanan) ang umaapi." 9. "Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim." 10. "Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din." 11. "Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na) kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan." 12. "Ang di mo ibig gawin (ng iba) sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba." 13. "Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking- gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpapaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa baya tinubuan." 14. "Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi't magkakapatid, ng ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan." "umili ng isang turo at sagutin ang sumusunod.what is the meaning of this ​

Asked by jovelyntumbali1

Answer (1)

Isa sa mga turo ng Kartilya ng Katipunan ay: “Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang katuwiran.”Ang kahulugan nito ay hindi nasusukat ang kabanalan sa panlabas na anyo o sa pananalita lamang, kundi sa gawaing nagmumula sa tunay na kabutihan ng puso. Ipinapakita na ang pagmamahal sa kapwa at paggawa ng tama ay higit na mahalaga kaysa sa anumang kayamanan o kapangyarihan. Tinuturo nito na dapat isaalang-alang ang katarungan at kabutihan sa bawat desisyon at aksyon sa buhay.

Answered by KizooTheMod | 2025-07-29