Ang Maikling Kuwentong Ang Ama ay Orihinal na mula sa bansang Singapore na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena.Si Mauro Avena o kinikilalang Mauro R. Avena ay kabilang sa mga tanyag na manunulat sa kanyang panahon. Ang kadalasang dyanra ng mga istoryang kanyang isinusulat ay drama, pakikipagsapalaran, at katatawanan. Mayroon siyang labin dalawang trabaho na isinulat sa dalawang lenggwahe at matatagpuan ito sa mahigit isang daang silid aklatan. Ipinanganak si Mauro noong ika-1 ng Agosto taong 1916. Sa edad na 85, binawian siya ng buhay sa hindi isinapubliko na sa di malamang kadahilanan noong ika-3 ng hunyo taong 2002.Ang kuwentong ito ay naglalaman ng pagiging iresponsable, mapanakit at kawalang respeto sa mga anak. Ngunit sa bandang huli kung saan ipinahiwatig ang pagsisisi at magiging pagbabago ng ama sa kanyang pakikitungo sa kanyang mga anak.