Bilang isang mag-aaral, ang pag-aaral ng Baybayin ay nakatutulong upang mas maunawaan natin ang ating kultura at pinagmulan. Ipinapakita nito na may sarili na tayong sistema ng pagsulat bago pa dumating ang mga dayuhan. Nakakatulong din ito sa pagpapalakas ng ating pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa wikang Filipino, at sa paggalang sa pamana ng ating mga ninuno.