Sa pagiging responsableng mamamayan, makakatulong ka sa iyong tahanan at paaralan dahil sa pagkakaroon mo ng kamalayan na gumawa ng tama. Bukod dito, kailangan mo ng pakialam at pagmamahal. Dahil kung wala ang dalawang ito, hindi mo mabibigyang hustisya ang pagiging responsable. Sa inyong tahanan, maaari mong simulan ang mabuting gawain mula sa maliliit na bagay. Tulad ng paglilinis, pag sunod sa nakatatanda sa 'yo, at pagsisinop sa mga bagay sa inyong bahay. Sa paaralan naman, sundin mo ang alituntunin ng paaralan, gawin mo sa oras ang mga takdang aralin, makinig mabuti sa mga guro, at maging modelo ng kabutihan sa iyong mga kamag aral?