HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2025-07-19

Connie Kuneho ni Meliodine A, Antonio. Si Connie ay isang batang kuneho. Madalas siyang yayain ng mga kaibigan na maglaro. "Tara, Connie Kuneho! Maglaro naman tayo." yakag ni Yuri Tutubi. Toket na takot magutom panunukso ng uod no si Eda. Nginitian ni Connie Kuneho ang mga kaibigan. Lumitaw ang mapuputi nitong ngipin. "Mauna na kayo. Tatapusin ko muna ito. Bake kasi umulan, hindi pa sapar ang pagkaing naipon ko soka kailangan ko ring ayusin ang aking higaan. Dapat may pamalit ako dahil baka mabasa ng ulan itong nakalatag." Inirapan siya ng e kolbigen "Tara ra ngal Iwan na natin si Connie Kuneho, Parati naman 'yang ganiyan, e nalinis na wika ni Ella Gagamba na mabilis ne tumalon at nagduyan sa sapot nlys "Oo nga" sagot ng uod na si Edu. "Mas mahalaga sa kaniya ang mag-ipon ngpagkain kaysa mga kaibigan nagtatampong sabi nito. Lumapit sa kanila si Connie Kuneho. "Hindi naman sa ganoon. Gusto ko rin naman kayong makasama sa paglalaro. Kaya lang, mukhang malakas ang paparating na ulan. Tingnan ninyo ang kalangitan" itinuro niya ang madilim at makapal na kaulapan sa katanghalian. "Kapag ganiyan ang itsura ng mga ulap, tiyak na tatagal ng' higit sa dalawang araw ang pag-ulan. Dapat mag-impok ng mga kakainin at gagamitin. Ayokong magutom saka lamigin. Kailangang may mga tuyong dayaming mahihigaan at sopat na pagkain na tatagal ng ilang araw" paliwanag ni Connie. "Teka, ikaw ba may ipang mga pagkain?" nag-aalalang tanong ni Ella Gagamba kay Yuri Tutubi. "Naku! Wala pa na nga pala! Naubos ko na kagabi ang natitira ko pang pagkain. Nalibang kasi ako sa paglalaro at pakikipagkuwentuhan sa inyo kahapon pa." nag-aalalang sagot ni Yuri Tutubi. "Kung gano'n dapat na tayong kumilos at mukhang bubuhos na ang ulan " nahihintatakutang sagot ni Ella Gagamba. "Teka! Teka!" Paano na ang plano nating paglalara?" Takang tanong ng uod na si Edu. "Saka na lang tayo maglaro kapag maaraw na at maganda na ang panahon. Unahin muna natin ang pag-iipon ng pagkain at paghahanda ng tuyong mahihigaan natin. Kapag nagsimula na ang ulan, di na tayo makalalabas.​

Asked by hadocmaryrose

Answer (1)

Mga Aral sa Kwento ni Connie Kuneho1. Pagiging responsable – Pinapakita ni Connie na dapat unahin ang mahahalagang bagay gaya ng paghahanda bago makipaglaro.2. Paghahanda sa sakuna – Tinuturo ng kwento na kailangan nating paghandaan ang posibleng pag-ulan o sakuna.3. Pagpapahalaga sa kinabukasan – Mas inuuna ni Connie ang seguridad kaysa pansamantalang kasiyahan.4. Pakikipagkaibigan at pagpapaliwanag – Kahit hindi siya sumama, maayos niyang ipinaliwanag ang kanyang dahilan at kalaunan ay tinulungan pa ang kanyang mga kaibigan.5. Pagkakaisa at pagtutulungan – Sa bandang huli, nagtulungan sila upang maghanda para sa paparating na ulan.

Answered by Sefton | 2025-07-22