Ang Austronesian migration ay nagdala ng mga bagong paraan ng pamumuhay tulad ng pagtatanim, paggawa ng bangka, at pagbuo ng bahay sa ibabaw ng tubig. Sila rin ang nagpasimula ng mga wikang ginagamit natin ngayon tulad ng Tagalog at Cebuano. Dahil sa kanila, umusbong ang mga tradisyon, values tulad ng bayanihan, at matibay na samahan ng pamilya. Malaki ang kanilang kontribusyon sa pagkakabuo ng kulturang Pilipino na hanggang ngayon ay buhay at makikita sa ating araw-araw na buhay.