Ang epiko ay isang tulang pasalaysay na nagsasalaysay ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhang may taglay na kakaibang lakas at katapangan. Karaniwan itong nagmula sa iba’t ibang pangkat-etniko sa Pilipinas at naipasa mula henerasyon sa henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang tradisyon o pasalin-dila. Bukod sa pagiging tula, ito ay inaawit at nilalapatan ng himig, at nagsisilbing tagapag-ingat ng kultura, paniniwala, kaugalian, at pagpapahalaga ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop. Mahalaga rin ito sa pag-unawa ng mga kultural na elemento tulad ng arketipo, wika, norms, at estereotipo sa konteksto ng panahon. Sa pamamagitan ng mga epiko gaya ng Biag ni Lam-ang (Iloko), Bantugan (Maranao), Tulalang (Manobo), at Kabuniyan (Ibaloi), naipapakita kung paanong ang panitikan ay nagsasalamin sa pamumuhay, pananampalataya, at pagkakakilanlan ng isang lahi.