Ang mga pangyayari sa akdang Alamat ni Prinsesa Manorah ay ginanap sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat (Krairat) at sa kagubatan ng Himmapan na nakatago sa likod ng kaharian. Sa kagubatan ay mayroong magandang lawa kung saan madalas dumalaw ang mga kinnaree, mga nilalang na kalahating tao at kalahating sisne. Dito rin naganap ang mga mahahalagang tagpo sa kwento, kabilang ang tirahan ng mga tauhan tulad ni Prinsesa Manorah at iba pang nilalang tulad ng ermitanyo at dragon.