IV. Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang na linang sa paksang nakalahad. Piliin sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Ang pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng Austronesian ay tinatawag na (1) _______. Nanirahan sila sa gawing Timog-Silangang Asya, Polynesia, at Oceana. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga unang dumating na Austronesian ay nanatili sa Hilagang Luzon at nadatnan ang mga Austral-Melanesian na nauna nang nanirahan doon. Sa paglipas ng panahon nagkaroon ulit ng (2) _______ hanggang sa kumalat na sila sa buong kapuluan hanggang sa mga isla ng Celebes, Borneo, at Indonesia. Ayon sa arkeologong Australian na si (3) _______, isang dalubhasa sa mga pag-aaral ng populasyon sa Timog-Silangang Asya at sa (4) _______. Ipinaliwanag sa kanyang Teorya ng Austronesian Migration ang dahilan ng pagkakatulad sa kultura, (5) _______, at pisikal na katangian ng mga bansa sa Asya. Ang mga Austronesian ang (6) _______ ng mga Pilipino. Ang mga taong nagsasalita ng Austronesian ang ninuno ng lahat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya. Noong 2500 B.C.E. ang mga Austronesian ay nakarating sa Pilipinas mula sa (7) _______. Sa Timog (8) _______ naman ang orihinal na pinagmulan ng mga taong ito. Ito ay kinilalang Teoryang Austronesian Migration. Kilala rin ang teoryang ito bilang (9) _______ Origin Hypothesis, na kung saan binigyang-diin na nagmula ang mga Austronesian sa timog China na naglakbay sa Taiwan at nagtungo sa hilagang Pilipinas. Mula sa Pilipinas ay nagtungo naman sa (10) _______. Ang iba ay nagtungo sa Malaysia, gayundin sa New Guinea, Samoa, Hawaii, Easter Island hanggang Madagascar.Ito rin ang naging batayan ni Bellwood sa kanyang teorya sa pagkakatulad ng wikang gamit sa Timog-Silangang Asya at sa Pacific.
Asked by janemanyap
Answer (1)
Answer:Narito ang mga sagot: 1. Austronesian2. migrasyon3. Peter Bellwood4. Oceana5. wika6. ninuno7. Taiwan8. China9. Out-of-Taiwan10. Indonesiaopinion ko lng po kung tama