9. Searching & Ranking – Ito ang yugto ng pag-search na nagraranggo ng nilalaman batay sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng pagiging awtoritatibo ng pahina, dami ng backlinks, at pagkakaroon ng mga keyword sa pahina. 10. Netiquette – Ito ang tamang pag-uugali na dapat ipakita kapag nakikipag-ugnayan online upang maging magalang at maayos ang komunikasyon. 11. Sender – Ang bahaging ito ng e-mail ang nagpapakita ng e-mail address ng taong nagpadala ng mensahe. 12. E-mail Body – Ito ang bahagi ng e-mail na naglalaman ng buong mensahe ng nagpadala. 13. Attachment – Ito ang bahagi ng Gmail na ginagamit upang mailagay ang dokumento o file na ipapadala kasama ng e-mail. 14. Bcc (Blind Carbon Copy) – Ito ang ginagamit kapag nais magpadala ng mensahe ngunit hindi inaasahan na tutugon ang tatanggap, at hindi rin makikita ng ibang recipients ang e-mail address ng pinadalhan.