sa kanilang tahanan. Laking gulat nito nang makita ang nakababatang
kapatid na magara ang suot at inaasikaso
nang mabuti ng ama.
Sumama ang kaniyang loob sa ama. "Bakit po ganiyan ang inyong
pagtanggap sa aking kapatid?" sinimulan niya ang panunumbat sa ama
"Ako po ay masunurin sa inyo. Buong katapatan akong naglilingkod
sa inyo. Ngunit, ni minsan ay hindi kayo nagpakatay ng kahit guya
man lamang para sa aking hapunan. At ngayon ay gumugugol kayo
ng malaking halaga ng salapi para ipagdiwang ang pagbabalik ng
alibugha ninyong anak."
"Anak ko, ikaw ang lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin ay iyo,'
masuyong sabi ng ama. "Tayo'y nagsasaya ngayon sapagkat ang
kapatid mong namatay ay muling nabuhay. Nakita nating muli ang
nawala."
Please describe but make it short