Pwede Gawing Floor Wax May Natural Waxes at Oil ContentAng banana peel ay naglalaman ng natural na waxes at oils, na nagbibigay ng “shine” at proteksyon sa ibabaw ng sahig — katulad ng gawa ng komersyal na floor wax.Eco-Friendly, Non-Toxic AlternativeAng banana peel floor wax ay mas ligtas gamitin kumpara sa mga commercial na wax na may toxic chemicals. Wala itong matapang na amoy at hindi nakakasama sa kalusugan at kalikasan.Nagbibigay ng Shine at FrictionSa mga testing, ang wax mula sa banana peel ay kayang magbigay ng kinang na katulad ng nabibili sa tindahan, at may sapat na friction o “kapit” na kailangan para hindi madulas ang sahig.Mura at Abot-kayaGinagawa ito mula sa mga pinagtabasan ng saging, kaya tipid sa gastos at tumutulong pa sa pagbawas ng basura.