HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2025-07-17

II. PILOT IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM A. BIGKAS-TULA: Pagbasa ng isang tulang pinamagatang Pilipino Ako ni Dr. Andilaine R. Tajanlangit. Pilipino Ako ni: Andilaine R. Tajanlangit Pagiging Pilipino'y nararapat lamang ipagmalaki, Tunay na may malasakit at hindi makasarili; Handang tumulong sa kapwa anomang sandali, Talagang dumaramay at kumakandili. Maraming pagkakataong ating nasaksihan, Sa mga unos at trahedyang ating naranasan; Sa pandemya, kalamidad o bagyong dumaan, Tiyak ang pagtulong sa mga nangangailangan. Sadyang bahagi na ng ating kultura, Ang pagdadamayan sa bawat isa; Walang dudang sasaklolo kapag nagkaaberya, Kahit nga kung minsa'y sila itong kinakapos na. Ganyan ang mga Pilipino, hindi mapag-imbot, Sa tahana'y nag-uumapaw ang pagmamahalang lubos; Kaya naman kitang-kita sa bawat salita at kilos, At ang sentro ng ating buhay ay ang Panginoong Diyos. Gabay na mga tanong: 1. Anong katangian ng mga Pilipino ang nabanggit sa tula? 2. Mula sa tula, paano ipinamamalas ang katangiang ito ng mga Pilipino? 3. Dapat nga bang ipagmalaki ang pagiging Pilipino? Patunayan. 4. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipinakikita ang magagandang katangian bilang isang Pilipino? 5. Gaano kahalaga na maging sentro ng ating buhay ang ating Panginoong Diyos? A. HANAY PANG-ABAY: Ihanay ang mga pang-abay na panang-ayon na ginamit sa tula. Pang-abay na Panang-ayon​

Asked by escultorcantaoarjely

Answer (1)

Ang tula ay nagpapakita ng mga konkretong halimbawa kung paano ang mga Pilipino ay tumutulong sa kapwa sa panahon ng trahedya, pandemya, at iba pang sakuna. Ipinapakita rin dito na kahit kapos ay handang magbahagi at dumamay. Ang pagiging maka-Diyos ay binanggit bilang sentro ng buhay ng mga Pilipino.Answer:Ipinamamalas ang mga katangiang ito sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa tuwing may sakuna o problema, gaya ng pandemya at kalamidad, kahit hindi sapat ang sariling kakayahan.

Answered by ulancheskadana | 2025-07-17