Anyo: 5. Bagong Pag-asa Ang kuwento ay nangyari sa panahong takipsilim doon sa may gawing iyon ng Tondo sa Maynila. Sa entresuwelong inuupahan nina Mang Doro, ang dingding ng bahay ay inunat na karton ng gatas. Isang bangkong mahaba ang nasa tabi ng nag-iisang bintana sa kanan ng tanghalan. Isang maliit na mesang nagsisilbing kainan at dalawang bangko sa magkabilang panig ng mesa ang makikita sa kaliwa ng tanghalan. Nasa ibabaw ng mesa ang isang gaserang aandap-andap ang liwanag. Mula sa loob ng bahay ay maririnig ang malakas at makapangyarihang tinig ni Gng. Bondoc habang ito ay nakapamaywang. Gng. Bondoc: Kung hindi kayo makababayad nang buo, mabuti pang maghanap na kayo ng malilipatan. Ba! Kahit ganito ang paupahan ko, e, maraming mag-uunahan sa pag-upa riyan. Aling Senyang: Nakikiusap lamang naman po kami. Kung hindi po maaari ay mangungutang kami para maibigay ang kapupunan.