Malapit na ang araw ng pagtatapos ni Gio sa Junior High School. Ipinakiusap niya sa kaniyang ina na ibili siya ng magarang sapatos at bagong uniporme. Katuwiran ni Gio na dapat siyang maging kaaya-ayang tingnan sa araw na iyon dahil magtatapos siya ng may karangalan. Lingid sa kaalaman ni Gio na dalawang Linggo nang walang kita ang kaniyang ama dahil nasa talyer pa ang taxi na ipinapasada nito. Gayunpaman, binilan pa rin siya ng bagong sapatos ng kaniyang ina ngunit hindi na kinaya pa ng kaniyang pera ang bagong uniporme. Isang araw bago ang pagtatapos ay ibinigay ng kaniyang ina ang kaniyang bagong sapatos ngunit walang bagong polo at pantalon. Hiyang-hiya ang kaniyang ina noong iniaabot ang lumang uniporme na maayos naman ang pagkakaplantsa at pagkaka-hanger. Magpapaliwanag sana ito ngunit biglang nagsalita si Gio "Maraming salamat po mama sa bagong sapatos at sa malinis at mabango kong uniporme. Sigurado akong bagay na bagay ito sa medalyang isasabit ninyo ni papa sa akin bukas. Yun po ang mas mahalaga, ang magkakasama tayong pamilya." Kitang-kita ni Gio na napalitan ng saya ang pag-aalalang nararamdaman ng kaniyang ina ng mga sandaling iyon
Asked by desiarsyrajean
Answer (1)
Answer:Hindi na hinahangad ni Gio ang Bagong uniporme basta magkakasama sila.