Ang kabayanihan ni Rizal ay hindi lamang sa pakikidigma kundi sa kanyang pagmamahal sa bayan na ipinakita sa edukadong paraan. Ipinaglaban niya ang karapatan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsusulat at pagpapalaganap ng katotohanan. Ginamit niya ang kanyang katalinuhan hindi para sa pansariling kapakanan, kundi para sa kapakanan ng buong bayan.