Mahalagang malaman ang direksiyon at pinanggagalingan ng hanging Amihan, Habagat, at mga trade winds dahil ito ay may malaking epekto sa klima, panahon, at kaligtasan ng mga tao sa Pilipinas. Ang Amihan o Northeast Monsoon ay malamig at tuyong hangin na nanggagaling sa hilagang-silangan, karaniwang umiihip mula Nobyembre hanggang Marso, kaya nagdudulot ito ng malamig na panahon at kaunting ulan. Samantalang ang Habagat o Southwest Monsoon ay mainit, mahalumigmig, at madalas nagdudulot ng malakas na ulan na umiihip mula Mayo hanggang Oktubre. Ang pag-alam sa mga ito ay tumutulong sa tamang pagpaplano ng mga gawain tulad ng agrikultura, pangingisda, at pang-araw-araw na buhay upang maiwasan ang pinsala mula sa kalamidad at masigurong maayos ang produksyon ng pagkain.