Ilang Halimbawa ng Metapora (Pagwawangis) Si Elena ay isang magandang bulaklak.Ang mga nangangalaga sa akin ay mga anghel.Ang kanilang bahay ay isang malaking palasyo.Si Inay ay ilaw ng tahanan.Si Miguel ay hulog ng langit.Isa kang bituin ngayong gabi.Sa kain ko ng kain, naging baboy na ata ako.Ikaw ang aking bituin, Sinta.Ang kamay ng aktres ay yelo sa lamig.Ang metapora ay tuwirang paghahambing kung saan ang isang bagay ay sinasabi bilang isa pang bagay upang ipakita ang kanilang pagkakatulad nang hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng "parang," "katulad," o "gaya ng" na karaniwang ginagamit sa pagtutulad (simili).