SAN RAFAEL-AGPO ELEMENTARY SCHOOL San Rafael, Lagonoy, Camarines Sur GMRC 4 ACTIVITY SHEET WEEK 5 Pangalan: PANUTO: Basahin ang teksto tungkol sa "Pamamaraan ng Pagpapahalaga sa Pananampalataya". Hanapin ang mga bunga ng iba-ibang paraan ng pagbibigay halaga sa pananampalataya. Isulat ang mga pamamaraan ng pagbibigay halaga sa pananampalataya sa baba ng puno at ang mga bunga sa paggawa nito Mga Pamamaraan ng Pagpapahalaga sa Pananampalataya Kung tutuusin lahat ng paniniwala ay may magagandang aral. Ngunit kung hindi ito pahahalagahan, mananatili itong aral lamang. Hindi ito magkakaroon ng magandang epekto sa buhay. Ang pagpapahalaga sa pananampalataya ay nakikita sa gawa. Ang sumusunod ay mga nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga magagandang aral na ating pinaniniwalaan. 1. Panalangin. Ang iba ay nananalangin ng tahimik sa kanilang silid. May iba namang pumupunta sa simbahan para magdasal at magsindi ng kandila. Para naman sa iba pa ang pananalangin ay naayon sa nakasanayan nang ritwal sa pagdarasal Ang saloobin, mga hinaing at kabigatan ng isang tao ay ipinapaabot sa Diyos. Humihingi ang nananalangin ng lakas, tulong, o dunong sa pagpapasiya. Ang dalangin ay nag-uugnay sa atin sa Diyos. Sa makatuwid, sa pamamagitan ng panalangin tayo ay nakikipagusap at nakakaharap ang Diyos. Ang dalangin ay nagdadala ng kapayapaan sa ating mga kabigatan at problema. Ang biyaya ng panginoon ay napapaabot sa atin sa pamamagitan ng kaniyang presensya. Ang mga panalangin ay nagbibigay ng liwanag at patnubay sa mga hamon ng buhay na nagpapalakas sa espirituwal na paglalakbay ng isang tao. Ang nakalulugod ay ang kagandahang-loob na bunga ng magagandang pagkikipag-ugnay sa Diyos sa dalangin. Ganito rin ang epekto ng pagsamba kung saan may aral na natututuhan sa kinabibilangang pananampalataya. Bunga nito, karamihan ay matulungin at may pag-unawa sa kapuwa. 2. Pagsamba. Ang pagsamba ay nagbibigay ng kagalakan at kapayapaan sa puso ng mga mananampalataya. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang sarili sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, pag-awit, at pagsasagawa ng mga serbisyo, nararamdaman ng mga mananampalataya ang presensya at pagmamahal ng Diyos sa kanilang buhay. Ito ay nagdudulot ng kasiyahan at kapayapaan sa kabila ng mga hamon at pagsubok sa buhay. 3. Pag-aaral ng salita ng Diyos. Ang kalooban ng Diyos ay nagbibigay ng kaalaman at unawa sa mga aral ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa sa mga salita ng Diyos, natututuhan ng isang tao ang mga prinsipyo at mga utos ng Diyos na magtuturo sa kaniya kung paano mamuhay ng maayos at makaDiyos. Ang pag-aaral ng Banal na Kasulatan ay nagpapalakas ng pananampalataya at nagbibigay ng gabay sa pang-araw-araw na buhay