HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Junior High School | 2025-07-15

Itsas ang bong noong aliwalas Mutyang kabataan, sa iyo ang paglalakad, Ang bigay ng Diyos na tanging liwanag Ay pangitasin mo, Pag-asa ng Tukas. Ikaw ay bumaba, O katalinuhan, Mga puso naming ay na naghihintay, Magsahangin ka ngat ang aming isipay Ilipad mo roon sa kaitaasan Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw Na mga silahis ng dunong at sining Kilos kabataan, at iyong lagutin Ang gapos ng iyong diwa at damdamin. Masdan mo ang putong na nakasisilaw, Sa gitna ng dilim ay di matitigan; Ang putong na yaon ay dakilang alay Sa nalulugaming iyong Inang Bayan. O, ikaw, na iyang may pakpak ng nais Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot Lunas na mabisa sa dusa'y himutok Ng kaluluwang luksat alipin ng lungkot; Ikaw na ang diway matalas makinang. Bunga ng palaging pakikipaglaban, Kaluluwang sumapit sa iyong hantungan, Ang nagiging palay walang hanggang buhay. At ikaw, O diwang mahal ni Apeles, Sinuyo sa wika ni Pebong marikit, O sa isang putol na lonang makitid Nagsalin ng kulay at ganda ng langit. Hayo na ngayon dit papag-alabin mo Ang apoy ng iyong isip at talino, Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo, At ipabansagan ang dangal ng tao. O dakilang araw ng tuwa at galak. ano ang damdamin na ipinakita sa tula?​

Asked by sightgod04

Answer (1)

Ang damdaming nangingibabaw sa tula ay pag-asa, determinasyon, at pagmamahal sa bayan at katalinuhan. Ipinapakita ng makata ang panawagan sa kabataan na gamitin ang talino, sining, at tapang upang itaguyod ang dangal ng sarili at ng bansa. May damdamin ng pagkakabighani sa katalinuhan, tapang sa hamon ng panahon, at paghanga sa kagalingan ng isipan. Masasalamin din ang damdamin ng pagkamakabayan, paghanga sa karunungan, at matinding pananabik sa pagbabago at tagumpay ng kabataan.

Answered by Sefton | 2025-07-19