1. Mahalaga ang pag-iingat sa iyong mga gamit sapagkat hindi lahat ng tao sa paligid ay mapagkakatiwalaan. Maaring may magnanakaw o malikot ang kamay kaya’t huwag iiwan ang mahahalagang bagay.2. Mahalaga na laging sinasaalang-alang ang pag-iingat sa mga pag-aari upang maiwasan ang pagkawala o pagnanakaw.3. Sa pampublikong lugar o sa mga kaganapang maraming tao, dapat doble ang pag-iingat dahil dumarami ang pagkakataong makasalamuha ang mga mandurukot o masasamang-loob.4. Mas mahirap tanggapin kung ang nawala ay resulta ng iyong pinag-ipunan at pinaghirapan.5. Limitado ang pera kaya’t dapat pangalagaan ang binili para hindi na kailanganing bumili ulit.6. Ang mga paalalang ito ay galing sa taong nagmamalasakit sa iyo.7. Batid ng mga magulang o mahal sa buhay kung gaano kahalaga ang bawat gamit para sa iyo.8. Isa kang mapagbigay na kaibigan o kamag-anak ngunit minsan, nagiging dahilan ito ng pagkawala ng pera o kagamitan.9. Nagiging madalas kang humiram o magpahiram kaya natututo kang mag-ingat.