Ang maling pagtatapon ng gamit teknolohikal tulad ng sirang cellphone, baterya, o computer parts ay maaaring magdulot ng mga sumusunod na epekto sa kalusugan ng tao:Pagkalason sa kemikal – Ang mga electronic waste ay may taglay na lead, mercury, at cadmium na kapag nasinghot o nalanghap ay maaaring magdulot ng problema sa utak, kidney, at baga.Pagkairita ng balat at mata – Kapag nadikit ang balat sa mga hazardous waste materials, maaaring magdulot ito ng allergy, rashes, o pangangati.Kanser at malalang sakit – Ang matagal na pagkakalantad sa mga kemikal mula sa e-waste ay maaaring magdulot ng cancer o problema sa reproductive system ng tao.Polusyon sa tubig at hangin – Kapag sinunog o ibinaon ang e-waste, napupunta ang lason sa tubig at hangin na siyang nalalanghap o iniinom ng mga tao.