Ang mga paring sekular ay mga Pilipinong pari na sinanay sa seminaryo at karaniwang itinalaga sa mga parokya upang mangasiwa sa ispiritwal na kapakanan ng mga tao. Hindi sila kasapi ng mga relihiyosong orden tulad ng mga paring regular (hal. Pransiskano, Augustiniano), kaya sila ay direktang nasa ilalim ng pamamahala ng obispo.