AnswerAng Kilusang Propaganda ay itinatag mga taong 1872 hanggang 1892 sa Europa, lalo na sa Espanya. Ito ay sinimulan ng mga edukadong Pilipino na naninirahan doon.Ang kanilang pangunahing layunin ay makakuha ng reporma mula sa pamahalaan ng Espanya para sa Pilipinas. Ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kilusan ay ang pahayagan nilang La Solidaridad, na unang lumabas noong Pebrero 15, 1889.