Nakatulong ang Suez Canal at kalakalang galyon sa pagpapabilis at pagpapalawak ng pandaigdigang kalakalan. Ang Suez Canal ay isang mahalagang lagusan sa pagitan ng Europa at Asya na nagpaikli sa oras ng paglalakbay ng mga barko, na dati'y umiikot pa sa Cape of Good Hope sa Africa. Dahil dito, naging mas mabilis ang paghahatid ng produkto at mas mura ang gastos sa transportasyon.Samantala, ang kalakalang galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco (Mexico) ay nagsilbing tulay ng kalakalan sa pagitan ng Silangan at Kanluran. Naipakilala nito ang mga produkto ng Pilipinas tulad ng abaka, perlas, at pampalasa sa pandaigdigang merkado. Dahil dito, naging bahagi ang Pilipinas sa pandaigdigang ekonomiya at kultura.