HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Religion / Elementary School | 2025-07-12

200 word essay filipino what your understading of god​

Asked by naomisabrine123113

Answer (1)

Ang Aking Pag-unawa sa DiyosPara sa akin, si Jehova(Ipinakilalang diyos ng bibliya — Awit 83:18) ang tunay na Diyos na lumikha ng lahat ng bagay sa langit at sa lupa, at siya ay puno ng pagmamahal at mabait sa lahat ng tao. Sa pamamagitan ng mga aklat sa Bibliya, nalaman ko na si Jehova ay may pangalan at hindi lang siya "Diyos" kundi may tiyak na pangalan na dapat nating gamitin, at ang Kanyang mga katangian ay napakaganda dahil siya ay makapangyarihan, matalino, at laging tapat sa Kanyang mga pangako. Ang mga tao ay ginawa niya sa Kanyang larawan kaya mayroon tayong kakayahang magmahal, maging mabait, at gumawa ng tama, ngunit dahil sa kasalanan, nawala natin ang malapit na ugnayan sa Kanya. Sa pamamagitan ni Jesus Christ, binigyan tayo ng Diyos ng pagkakataon na maging malapit sa Kanya muli, at ang mga turo sa bibliya ay nakakatulong sa amin na maintindihan ang Kanyang kalooban para sa atin. Naniniwala ako na ang Diyos ay may magandang plano para sa hinaharap na balang araw, ang mundo ay magiging payapa at walang sakit o kamatayan, at ito ang pangako niya sa mga sumusunod sa Kanya na nagpapakita ng pag-ibig at pasensya sa araw-araw. (Isaias 33:24, Apocalipsis 21:4)

Answered by Sefton | 2025-07-13