Masasabi kong napakahalaga ng paggamit ng aking mga kakayahan sa paggawa ng desisyon at pagkilos. Sa pamamagitan ng isip at kalooban, natutukoy ko kung ano ang tama at nararapat gawin sa bawat sitwasyon. Nakakatulong ito upang makaiwas sa maling desisyon at masigurong makabubuti hindi lang sa akin kundi pati sa iba.Ang kambal na kakayahan ko bilang tao ay ang kaisipan (isip) at kalooban (damdamin o loob).Ang isip ang tumutulong sa akin upang mag-isip ng mabuti at magpasya batay sa katotohanan.Ang kalooban naman ang nagtutulak sa akin na piliin ang kabutihan at gawin ito sa pamamagitan ng aksyon. Magkasama silang gumagabay sa bawat hakbang na ginagawa ko—kapag malinaw ang pag-iisip, mas tama ang desisyon; kapag bukal sa kalooban, mas totoo at mabuti ang pagkilos.Layunin ng isip: Tuklasin at unawain ang katotohanan.Layunin ng kalooban: Pumili at isabuhay ang kabutihan.Ang dalawang ito ay nagtutulungan upang maging makatao, makatarungan, at may malasakit ako sa kapwa.Ang naging resulta ng aking mga desisyon at pagkilos ay kadalasang positibo, lalo na kapag ginamitan ko ng tamang pag-iisip at mabuting hangarin.Oo, ito ay para sa katotohanan at kabutihan dahil bago ako kumilos, iniisip ko muna kung ito ba ay makatarungan at makakatulong sa iba.Halimbawa: Kapag pinili kong tulungan ang kaklase kaysa mang-insulto, napili ko ang kabutihan, at ang pagkilos kong iyon ay nagpapakita ng paggalang at pagmamalasakit.