HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Elementary School | 2025-07-11

IV. A. TEKSTO-BASA: Basahin ang tekstong Ang Magkaibigang Judy at Eliza ni Andilaine R. Tajanlangit. Ang Magkaibigang Judy at Eliza ni: Andilaine R. Tajanlangit Matalik na magkaibigan sina Judy at Eliza. Magkasing-edad sila sa gulang na labing-isa. Kapwa sila mag-aaral sa ikalimang baitang. Mas matangkad at mas payat si Judy kaysa kay Eliza. Di-hamak na masinop naman si Eliza kaysa kay Judy. Di-gaanong ngumingiti si Judy sa mga kaklase niya, kaya palagi siyang pinapayuhan ni Eliza na maging palakaibigan. Sa kabila ng kaibahan ng kanilang ugali, ay nanatiling matatag ang pagkakaibigan ng dalawa . Lagi silang handang dumamay sa isa't isa sa anumang problemang dumarating. Magkasingtapang nilang hinahaharap ang anomang sitwasyon. Naniniwala silang dalawa na mas masaya ang buhay kung may kaibigang tunay. Kaya't patuloy ang pananalig nila sa Poong Maykapal, na Siyang pinakamakapangyarihan sa lahat. Gabay na mga tanong: 1. Sino ang matalik na magkaibigan? 2. Anong mga katangian ang taglay ng magkaibigan? . Mayroon ka rin bang kaibigan? Paano mo siya pinapayuhan? Bakit mahalagang magkasundo ang magkakaibigan? Sa paanong paraan mo hinaharap ang mga pagsubok na iyong nararanasan? ND HEALTH Quarter 1​

Asked by amberi

Answer (1)

Answer:1. Sino ang matalik na magkaibigan?Judy at Eliza sila, best friends talaga kahit iba sila ng personality.2. Anong mga katangian ang taglay ng magkaibigan?Si Judy, matangkad, payat, medyo shy or di masyadong smile, tapos si Eliza naman masinop, friendly, at supportive.3. Mayroon ka rin bang kaibigan? Paano mo siya pinapayuhan?Oo, meron. Usually, sinasabi ko sa friend ko na maging open sa ibang tao, wag mahiyang mag-share ng feelings para less stress.4. Bakit mahalagang magkasundo ang magkakaibigan?Para smooth ang samahan, less drama, at mas enjoy yung moments kasi may trust at support.5. Sa paanong paraan mo hinaharap ang mga pagsubok na iyong nararanasan?Chill lang, minsan nagre-reflect, tapos humihingi ng advice sa friends or family para may ibang perspective. Support system talaga ang friends.

Answered by okinagatarashimiyeon | 2025-07-11