Ang pang-uring pahambing ay isang uri ng pang-uri na ginagamit upang ikumpara o paghambingin ang dalawang tao, bagay, pook, o pangyayari batay sa kanilang katangian. Sa madaling salita, ito ay pang-uri na nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad ng mga katangian ng dalawang pinaghahambing na bagay o tao.May dalawang uri nito:Pahambing na magkatulad (kapantay ang katangian, hal. magkasing-ganda)Pahambing na di-magkatulad (hindi pantay ang katangian, hal. mas matalino kaysa sa kanya).