Nagising ang diwang makabayan ng mga Pilipino dahil sa matinding pang-aapi at hindi makatarungang pamamalakad ng mga Kastila noon. Dahil dito, marami ang namulat sa katotohanan at naisip nilang hindi tama ang inaapi at inaabuso. Malaki ang naging epekto ng mga isinulat ni Jose Rizal tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo kasi dito nakita ng mga tao ang tunay na kalagayan ng bansa. Nagkaroon din ng mga samahan gaya ng Katipunan na pinangunahan nina Andres Bonifacio na nagbigay ng lakas ng loob sa mga Pilipino na lumaban para sa kanilang kalayaan. Dahil sa mga ito, nagising ang damdaming makabayan at nagsimula ang pagkakaisa para ipaglaban ang ating bayan.