Ang kapuluan ay isang anyong lupa na binubuo ng maraming pulo na napapalibutan ng katubigan. Ang Pilipinas ay isang halimbawa ng kapuluan dahil ito ay binubuo ng 7,641 na malalaki at maliliit na pulo. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang ating bansa ay mayaman sa likas na yaman at iba’t ibang kultura.