Ang solid waste ay mga matitigas na basura tulad ng plastik, papel, at pagkain na itinapon ng mga tao. Sa Pilipinas, malala ang problema sa solid waste dahil sa patuloy na pagdami ng basura, mahina ang pagpapatupad ng batas, kakulangan sa mga sanitary landfill, at maling pagtatapon ng basura. Maraming lokal na pamahalaan ang hindi pa rin ganap na naipapatupad ang tamang segregasyon at waste management, kaya nagdudulot ito ng polusyon, pagbaha, at panganib sa kalusugan. Bagamat may batas na RA 9003 na nagtatakda ng tamang pamamahala ng basura, kailangan pa ng mas mahigpit na pagpapatupad at aktibong partisipasyon ng mga tao upang masolusyonan ang suliranin.