Ang tiyak na lokasyon (o absolute location) ay ang eksaktong posisyon ng isang lugar sa mundo na tinutukoy gamit ang mga coordinate tulad ng latitude at longitude. Halimbawa, ang tiyak na lokasyon ng Maynila ay nasa 14°35′N latitude at 120°58′E longitude.Samantalang ang relatibong lokasyon ay ang posisyon ng isang lugar batay sa iba pang lugar o mga palatandaan sa paligid nito. Ginagamit dito ang mga direksyon tulad ng hilaga, timog, silangan, kanluran, o mga kilalang lugar bilang reperensiya. Halimbawa, ang Maynila ay nasa hilaga ng Laguna de Bay at sa timog ng Bulacan.