Ang tawag sa distansiya o layo ng mga lugar mula sa silangan o kanlurang bahagi ng Prime Meridian ay longhitud o longitude. Ito ay sinusukat sa degree (°) mula 0° sa Prime Meridian hanggang 180° patungong silangan o kanluran. Ang longhitud ang ginagamit upang tukuyin ang eksaktong posisyon ng isang lugar sa silangan o kanlurang bahagi ng mundo.