Ang etika ay isang sangay ng pilosopiya na nag-aaral tungkol sa tama at maling pag-uugali. Ito ay tumutukoy sa mga prinsipyo at pamantayan na gumagabay sa kilos ng tao upang maging mabuti, makatarungan, at responsable sa lipunan.Tatlong Pinagmulan ng EtikaRelihiyonMaraming etikal na paniniwala ang nagmula sa mga turo ng relihiyon. Dito hinuhubog ang konsepto ng tama at mali batay sa mga banal na kasulatan at aral ng pananampalataya.PilosopiyAng etika bilang sangay ng pilosopiya ay nagmula sa pagninilay at pag-aaral ng mga pilosopo tungkol sa moralidad, katarungan, at kabutihan. Sila ang nagbigay ng sistematikong pag-unawa sa mga prinsipyo ng tama at mali.Kultura at LipunanAng mga kaugalian, tradisyon, at batas ng isang lipunan ay nagiging batayan din ng etika. Dito natututuhan ng tao ang mga pamantayan ng tamang pag-uugali na naaayon sa kanilang kapaligiran at kultura.