Answer:Ang gulong ay isang mabilog na aparatong may kakayahang umikot o uminog sa kaniyang aksis (painugan o paikutan), na nakapagdurulot ng paggalaw na pag-ikot o paggulong. Tinatawag din itong ruweda. Nakatutulong ito sa pagdadala ng mga bagay na may bigat o lulang tao, at maging sa pagsasagawa ng mga gawaing pangmakina.