Ang sinaunang kabihasnan na matatagpuan sa lambak ng Ilog Indus ay ang Kabihasnang Indus o kilala rin bilang Harappan Civilization. Ito ay umusbong mula 3300 BCE hanggang 1300 BCE sa hilagang-kanlurang bahagi ng Timog Asya, na sumasaklaw sa bahagi ng modernong Pakistan at hilagang-kanlurang India. Kilala ang mga lungsod nito tulad ng Mohenjo-daro at Harappa na matatagpuan sa lambak ng Ilog Indus.