Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluan ng Pilipinas, kabilang na ang lahat ng mga pulo at mga karagatang nakapaloob dito. Kasama rin dito ang lahat ng mga teritoryong nasa ganap na kapangyarihan ng Pilipinas, na binubuo ng kalupaan, katubigan, kalaliman ng karagatan, himpapawid, at mga kalapagang insular.