Bilang tao, maisasalarawan ko ang katotohanan ng aking pagkatao sa pamamagitan ng pagkilala na ako ay binubuo ng isip at katawan na magkasama at nagtutulungan. Ang isip ang siyang nag-iisip, nagdedesisyon, at nagpapasya kung ano ang tama at mabuti, habang ang katawan naman ang nagsisilbing kasangkapan upang maisakatuparan ang mga ito.