Ang klima sa kabihasnang Huang Ho ay maganda at angkop para sa pagsasaka dahil sa matabang lupa na dala ng ilog Huang Ho (Yellow River) na siyang dumidilig at nagpapasustento sa mga pananim sa lambak nito. Gayunpaman, dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nagkakaroon ng pagbaha ang ilog Huang Ho na nagdudulot ng pagkasira ng mga pananim at ari-arian, kaya tinawag itong "Pighati ng China."