Ang Republic Act 9729, o mas kilala bilang Climate Change Act of 2009, ay naglalayong maisama ang isyu ng pagbabago ng klima sa mga polisiya at plano ng pamahalaan. Layunin nitong protektahan ang kalikasan at itaguyod ang karapatan ng mga mamamayan sa isang malusog at balanseng ekolohiya para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon. Itinatag din nito ang Climate Change Commission bilang pangunahing ahensya na magmomonitor, mag-uugnay, at magsusuri ng mga programa at aksyon ng gobyerno kaugnay ng climate change.